My life, My story...

About Me

your name:

url:

your message:

November 17th, 2009

Mag-ingat sa mga links sa facebook

Posted by sythiel at 11:52 PM on November 17, 2009 as a favorite post.

Mag-ingat sa mga icclick na links sa facebook. Mayroong kumakalat na link sa mga messages at sa mga walls na magdadala sa inyo sa mga hack sites at mga sites na may virus.

isa na rito ang

www.N70.InFO/2d (ito ay hindi tunay na link ginamitan ito ng maikling URL)

dadalhin kayo nito sa isang "facebook login page" na sinasabing kayo ay na-logout.

HINDI ITO TOTOO! Hindi kayo nalog-out sa facebook!

Walang Universal Log-Out Link para sa facebook! Iba-iba ang log-out link nating lahat!!

PAALALA! Huwag ipapasok ang username at passwords ninyo! Ang site ay HINDI FACEBOOK!!! at ang naturang site ay kinokolekta ang mga username at passwords nang mga taong nagkamaling ibigay sa site na ito ang kanilang passwords. Magpapadala ito ng mga mensahe sa wall at sa mga inbox nang kaparehas na link sa mga kaibigan ninyo para sila rin ay mabiktima

Kailangang nating maging mapanuri sa login page ng Facebook. Makikita sa mga sumusunod na larawan ang  pinagkaiba ng totoong Login page ng Facebook at ng pekeng Login Page.

Ang itsura ng tunay na Login Page sa iba't ibang browser

Chromium

Mozilla Firefox

Internet Explorer

Opera

Google Chrome

May maliit na pinagkaiba ang Google Chrome sa iba pang browser na sinubukan. Ang "Login" sa Chromium/IE/FF/Opera ay "Log in" sa Chrome. Ito ay natural at hindi dapat ikabahala

Ang Itsura ng Pekeng Login Page

Sa Chromium / Google Chrome / Mozilla Firefox

Opera

IE

Tandaan! May Babala na lalabas sa Mozilla Firefox, Chromium/Google Chrome at Opera sa oras na makaclick ng mga Pekeng Site tulad nang kumakalat ngayon. (Makikita sa mga Larawan sa ibaba). Walang ganitong abiso na matatanggap sa Internet Explorer!!!

Kung naipasok ang inyong Username at Password sa pekeng facebook site, agad palitan ang inyong mga password. At magpadala ng mensahe sa facebook o basahin ang pahinang ito para sa karagdagang kaalaman.

http://www.facebook.com/help.php?page=797

 

 

any comments?

November 10th, 2009

19

Posted by batang-pasaway at 03:01 PM on November 10, 2009.

Time flies by so fast.

Just turned 19 today.

Thank you Lord for another year

10 comment(s)

« Newer | Older »